MALAKI ang tsansa ng Pilipinas na manalo ng medalya sa karate sa 2020 Tokyo Olympics.
At naniniwala si dating Southeast Asian Games champion at national team coach David Lay na ang pinaka-maningning na pag-asa ng bansa sa darating na Olympics ay si Filipina-Japanese Junna Tsukii.
“With the right training and proper international exposure, Filipino karatekas can also excel in this sport,” saad ni Lay sa 56th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon.
Sinabi ni Lay, siya ring chief instructor ng Karate Development Arts (KDA), na si Tsukii ang nakikita niyang may pinaka-malaking tsansa sa Tokyo Olympics.
“I think kailangan na lang niya (Tsukii) ng ilang medal finishes. I hope she makes it to the Olympics,” wika ni Lay.
“I’m really happy that she is representing the Philippines, although she is half-Japanese.
“Sa tingin ko, nag-improve na ng malaki ang karate dito sa atin. Madami na rin exposure ngayon ang mga karatekas natin, unlike nun panahon namin nung 1987, na madami pa kaming dapat matutunan, ” dagdag ni Lay, na nagsanay sa ilalim ng Japanese father-coach ni Tsikii noong 80s na si Shin Tsukii.
Inihayag naman nina Lay at Rudy Ochoa ng PKTS na magdaraos sila ng Japan Karate Shoto Federation kata at kumite seminar sa Linggo (Feb. 23) sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo ng KDA.
“We expect as many as 400 to 500 participants from various JKS clubs in Metro Manila,” pagbabahagi ni Ochoa sa weekly sports program na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks. (DENNIS INIGO)
220
