Hirit ng solon sa DOH LIBRENG TEXT ALERTS KONTRA COVID-19

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang Department of Health at civil defense authorities na idaan sa pagpapadala ng public free mobile alerts ang pinakahuling impormasyon sa pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

Ayon sa senador, ang libreng mobile alert ay malaking tulong para mapawi ang malawakang takot at tulungan ang mga mamamayan na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa epekto ng nasabing virus.

Giit ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, ang text alerts ay dapat naglalaman ng listahan ng kumpirmadong kaso at mga naapektuhang lugar.

Ang mobile alerts sa tulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ay naglalaman ng mahalagang impormasyon ng COVID-19 at kung saan maaaring magtungo ang isang nagpositibo sa virus.

“The initial step to contain a virus is to make information on it viral through all available means. Improving the spread of information will help counter inaccurate reports and prevent mass hysteria,” sabi ni Poe. NOEL ABUEL

 

137

Related posts

Leave a Comment