BENTAHAN NG FACEMASK, ALCOHOL HIHIGPITAN

INIHAHANDA na ng pamahalaan ang mga ilalabas na alituntunin kaugnay sa pagbebenta ng mga tinatawag na diluted alcohol at depektibong face mask na makikita online kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Marami umanong kumakalat na balita na nagbebenta ng mga peke o “adulterated” medical supplies, na hindi naman sertipikado ng Food and Drug Administration at hindi epektibo laban sa COVID-19, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Sinabi na rin ng mga otoridad na ang laging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig maging ang paggamit lagi ng alcohol ang mabisang paraan para labanan ang virus.

Ang face masks ay sinusuot kapag may ubo at sipon o nakasalamuha ang mga dapat na magsuot ng face masks.

“Ang problema pag bumili ka sa online, hindi mo alam kung standard or selyado ‘yung alcohol na ‘yon. Maglalabas kami ng panuntunan doon sa mga online selling,” sinabi ni Lopez.

Sinabi rin ni Lopez na ang mga overpriced o abusadong mga nagbebenta nito ay kakasuhan ng profiteering. KIKO CUETO

219

Related posts

Leave a Comment