MAS matinding hirap ang naranasan ng mga pasahero sa pagpasok sa trabaho kahapon ng umaga sa gitna ng pinaiiral na social distancing ng pamahalaan.
Humaba nang husto ang pila ng mga pasahero sa MRT-3 dahil sa pagpapatupad ng limitasyon sa pagsasakay ng pasahero para sundin ang “one-meter social distancing policy” upang makaiwas sa banta ng COVID-19.
Umabot sa ibaba ng istasyon sa kahabaan ng EDSA ang pila ng mga pasahero sa Cubao, Guadalupe at Magallanes MRT 3 stations dahil walo hanggang 11 pasahero lang ang pinasasakay kada bagon.
Ang EDSA naman na walang masyadong traffic ay hindi rin naging madali ang pagsakay sa bus dahil limitado rin ang bilang ng isinasakay na nasa 25 porsyento lamang ng capacity nito.
Isang upuan dapat ang pagitan ng mga pasahero sa bus. Matumal din ang biyahe ng mga jeepney kaya napuno ng nag-aabang na commuters ang ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila. DAVE MEDINA
202 