HINILING ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang darating na linggo, Marso 22, bilang “National Day of Prayer” kontra sa coronavirus disease 2019.
“National Day of Prayer” is a way to unify a country that has always turned to faith in the darkest of times,” ani House minority leader Bienvenido Abante Jr.
Nais ng mambabatas na sabay-sabay magdarasal ang sambayanang Filipino sa kani- kanilang bahay lamang, anoman ang relihiyon o paniniwala ng mga ito para hilingin na matapos na ang pagsubok na ito sa sangkatauhan.
Sa ngayon ay bawal ang mass gathering na naging dahilan para ikansela ang lahat ng religious activities subalit maaari pa rin ang sama-samang pagdarasal sa loob ng mga kabayahan.
Maging sa social media ay lalong naging relihiyoso ang mga tao dahil sa pagpapasahan ng mga ito ng mga panalangin sa Poong Maykapal upang matapos na ang pagsubok na dulot ng COVID-19. BERNARD TAGUINOD
–
187 