RENTA, BILLS PINASUSUSPINDE NI PDUTERTE

duterte22

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng mga paupahan at negosyo tulad ng tubig at kuryente na huwag munang singilin ang kanilang mga kostumer
habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Kagabi ay inanunsyo ni Pangulong Duterte ang enhanced community quarantine at magtatapos ito sa Abril 12, 2020.

Sinabi pa ng pangulo na bilang mga Filipino ay isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan sa halip ay magkaisa at magtulungan ngayong panahon ng krisis dahil sa coronavirus.

Kasabay nito, pinakausapan din niya ang mga pribadong kumpanya na kung maaari ay ibigay na ang kalahati ng 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.
Ito ay upang may magamit ang mga manggagawa para sa kanilang pananatili sa kani- kanilang mga bahay habang sumasailalim sa quarantine.

Inihayag naman ni Sergio Ortiz-Luis, Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na mahihirapan ang mga kumpanya sa pagpapatupad ng
kahilingan ni Pangulong Duterte.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na siguraduhin ang pagbibigay ng kumpensasyon sa mga health worker na nangunguna sa paglaban sa COVID-19. JOEL O. AMONGO

158

Related posts

Leave a Comment