LIBRENG SAKAY SA MGA STRANDED

INATASAN na ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilabas ang kanilang army trucks para
sunduin at ibiyahe ang mga mamamayan na stranded lalo na ang health workers at iba pang indibidwal na exempted mula sa ban.

Ito ay upang ligtas na makarating ang mga ito sa lugar na kanilang pinapasukan o bahay na inuuwian.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nakarating sa kaalaman ng Malakanyang ang balita ukol sa kalagayan ng mga manggagawa at empleyadong stranded
mula sa kanilang trabaho.

Bukod sa DND ay ipinaabot din ni Sec. Panelo ang problema kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na agad namang tumugon.
Pinuri naman ng Malakanyang ang mga bus company sa kanilang bayanihan spirit.

“Everyone is called upon to rise to the challenges of these dangerous and extremely difficult phase of our history as a nation,” ayon kay Sec. Panelo.

Samantala, inulit ng Malakanyang ang apela nito sa mamamayang Filipino na ang “self-discipline and self-help” idagdag pa ang selfless community cooperation ay
mga susi para sa matagumpay na Enhanced Community Quarantine. CHRISTIAN DALE

183

Related posts

Leave a Comment