DISINFECTION SA CALAMBA SINIMULAN NA

LAGUNA – Sinimulan na ang pag-disinfect sa iba’t ibang lugar sa Calamba City sa lalawigang ito, pribado man o pampublikong lugar, upang makaiwas sa corona virus
disease 2019 o COVID-19.

Bagama’t may ilang person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM), nanatili pa ring COVID-19 free ang nasabing lungsod dahil wala pa umano ang
kumpirmadong may kaso ng nasabing nakahahawang sakit, ayon kay Mayor Justin Chipeco ng Calamba City.

Pinangunahan ng Local Disaster Risk Reduction Management Office LDRRMO at Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez, ang pag-spray sa matataong
lugar tulad ng palengke at pangunahing kalsada upang maging ligtas sa nasabing sakit

Samantala, nanatili naman ang kaayusan sa Calamba, maging ang pamimili sa supermarkets at drugstores dahil sa pagsunod sa social distancing saan mang lugar. (CYRILL QUILO)

136

Related posts

Leave a Comment