ALERTO SA TAAL IBINABA SA LEVEL 1

IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 (abnormal) ang sitwasyon sa Bulkang Taal sa Batangas makaraan ang ilang linggong mababa na ang bilang ng mga aktibidad nito.

Ayon sa Phivolcs, halos wala nang naitatalang volcanic earthquake at pagbuga ng steam o usok. “Taal Volcano’s condition in the succeeding four (4) weeks after step-down to Alert
Level 2 on 14 February 2020 has been characterized by low-level volcanic earthquake activity, stabilizing ground deformation of the Taal Caldera and Taal Volcano Island (TVI) edifices and weak surface activity at the main crater and the Daang Kastila fissure,” nakasaad sa Taal Volcano bulletin.

Nabatid pa mula sa Phivolcs, nakapagtatala ang Taal Volcano Network ng malaking porsyento nang pagbaba ng mga pagyanig sa bulkan na mula sa dating 141 volcanic quakes araw-araw simula nuong Enero 16 hanggang Pebrero 14, ay naging 31 na lang ito mula Pebrero 14 hanggang nitong Huwebes.

Gayunman, nagbabala ang Phivolcs sa publiko sa posibilidad na magkaroon nang Biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall o mapanganib na pagbuga ng volcanic gas na delikado sa mga nasa loob ng isla.

Iginiit din ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa volcano island na isang permanent danger zone, lalo na sa bisinidad ng main crater at sa Daang Kastila. (JG TUMBADO)

226

Related posts

Leave a Comment