PUGANTENG COVID PATIENT, ARESTADO

NEGROS Occidental – Arestado ang isang person under monitoring (PUM) sa sakit na COVID-19, na tumakas sa gitna ng mandatory quarantine sa lalawigang ito.

Kinilala ang lalaking wala na sa kanyang kwarto nang puntahan ng mga awtoridad, na si Felix Alejo.

Kabilang si Alejo sa 90 stranded na mga pasahero mula sa Clark, Pampanga, na dumating sa Bacolod-Silay Airport noong isang araw.

Itinuturing silang mga PUM ng provincial government at kailangang dumaan sa 14-day quarantine period sa isang resort sa Murcia na katabing bayan ng Bacolod City.

Napag-alaman, matapos ang apat na oras makaraang tumakas, agad nahuli si Alejo ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Bacolod City.

Ibinalik siya sa resort para tapusin ang kanyang quarantine period.

Sinabi ni Negros Occidental Police Provincial Director Police Col. Romeo Baleros, napagpasyahan ni Alejo na umalis sa resort dahil akala umano nito para lang sa nanggaling sa Metro Manila ang isasailaim sa quarantine at siya ay nagmula lamang sa Pampanga.

Si Alejo ay agad sasampahan ng kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of the Public Health Concern Act at Disobedience to a Person in Authority or Agents of such Person. (KIKO CUETO)

 

140

Related posts

Leave a Comment