Naitatalang kaso pumalo na sa higit isang libo MGA POSITIBO SA COVID-19 PINALALANTAD

HINIMOK ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga ordinaryong mamamayan na nagpositibo sa COVID-19 na boluntaryong lumantad o ipaalam sa publiko ang kanilang kalagayan.

Sa ganitong paraan aniya matutulungan ang gobyerno upang mapadali ang contact tracing at maagapan ang paglaganap pa ng virus.

Ipinaliwanag ni Lacson na nahihirapan ang gobyerno sa pag-trace sa mga ordinaryong mamamayan dahil hindi pa lubos na naipatutupad ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act.

Dagdag pahirap aniya ang Data Privacy Act of 2012 (R.A. 10173), na nagbibigay protekayon sa right to privacy at non-disclosure ng medical records ng isang pasyente.

“But if public figures like Prince Charles, Boris Johnson, Tom Hanks, Christopher de Leon and several of our own legislators had voluntarily and publicly declared they are or were infected, maybe it is time for the “man on the street” – the ordinary Filipinos – to do the same in order to alert those who they had interacted with to take the necessary measures, so that the infection does not spread further,” saad ni Lacson

Idinagdag ni Lacson na kung maisasapubliko ang mga nagpositibo kahit sa pamamagitan ng barangay bulletins ay mas mapapadali ang pag-trace sa kanilang mga nakasalamuha.

HIGIT 1K NA
Samantala, pumalo na sa mahigit isang libo ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Nadagdagan ng 272 bagong kaso sa maghapon kaya umabot na sa 1,075 ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.

Nadagdagan din ng 14 ang mga namatay kaya 68 na ang bilang nito habang apat naman ang dumagdag sa mga nakarekober na ngayon ay 35 na ang bilang. Ang pigurang ito ay hanggang alas-4 ng hapon ng Sabado, March 28. DANG SAMSOM GARCIA, D. ANIN

148

Related posts

Leave a Comment