TRIKE DRIVER PATAY SA 2 TANDEM

COTABATO – Patay ang isang tricycle driver makaraang tambangan at pagbabarilin ng apat na hindi kilalang mga suspek na nakamotorsiklo, iniulat nitong Sabado ng umaga sa probinsyang ito.Kinilala ang biktimang si Jodel Chris Talha Hierro, 32, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy. Kabulakan, Matalam, North Cotabato.

Batay sa report ng Matalam Police Station, nangyari ang insidente sa national highway sa Matalam-Antipas Road sa Brgy. Marbel, Matalam,

Cotabato.Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle ngunit pagsapit sa nasabing lugar, bigla siyang hinarang ng apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo at siya ay pinagbabaril.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (ANNIE PINEDA)

174

Related posts

Leave a Comment