CAMP VICENTE LIM- Patay na nang madatnan ng mga kasamahang pulis ang isang opisyal sa kanyang opisina nitong Sabado, Marso 28, alas-8:00 ng umaga.
Natagpuang walang buhay si P/Col. Michael Secillano, chief ng Regional Community Affairs and Development Division o RCADD PRO4-A, sa loob ng quarters ng Camp Vicente Lim sa Laguna.
Ayon sa report, humahangos na nagtungo si P/Lt. Col. Francis Allan Reglos, asst. chief ng Regional Investigation and Detective Management Divison (RIDMD) sa Regional Health Service 4-A RHS, upang ipagbigay-alam ang insidente sa duty na doktor sa loob ng kampo.
Sa initial findings ni P/Maj. Garry Paredes, chief ng Medical Dispensary, cardiac arrest ang ikinamatay ng nasabing opisyal.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Scene of the Crimes Operatives o SOCO, kung ano ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima. (CYRILL QUILO)
216
