TANOD, KINATAY NG KASAMA

COTABATO – Namatay ang isang barangay tanod makaraang pagtatagain ng kanyang kasamahan dahil sa dating alitan, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Gabriel Ecay, nasa hustong gulang, habang nadakip naman ang suspek na si Ranil Maway, kapwa miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), at mga residente ng Purok 1B, Sitio Elkak, Barangay New Caridad, Tulunan, North Cotabato.

Batay sa report ng Tulunan PNP, bago ang insidente, kapwa tumutulong ang dalawa sa pagbabantay sa mga residente kaugnay sa ipinaiiral na enhanced community quarantine sa bayan ng Tulunan, nang bigla na lamang sinugod ng suspek ang biktima ng itak at pinagtataga.

Natadtad ng taga ang biktima na agad nitong ikinamatay habang tumakas naman ang suspek patungong Brgy. New Caridad, ng nasabing bayan.

Mabilis na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dating alitan ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. (ANNIE PINEDA)

384

Related posts

Leave a Comment