ANGARA, NAKA-RECOVER NA MULA SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Sonny Angara na idineklara na siyang COVID-19 at pneumonia free makaraan ang ilang araw na pananatili sa pagamutan.

Sinabi ni Angara sa kanyang Facebook post na pinayagan na siyang umuwi ng kanyang mga doktor matapos na ring magnegatibo sa virus.

Nagpasalamat naman ang senador sa kanyang mga doktor at nurse gayundin sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanya sa panahon ng krisis.

“Am truly grateful for the gift of life and even more so now for those at the frontlines who safeguard our lives and protect our society,” diin ni Angara.

Tinawag din nitong mga tunay na bayani ang mga nurse at doctor na hindi makauwi sa kanilang mga tahanan upang magserbisyo sa mga pasyente.

“I met nurses and doctors who don’t go home anymore, some even doing double duty in other hospitals. They truly, truly are REAL HEROES,” pahayag pa nito. DANG SAMSON-GARCIA

170

Related posts

Leave a Comment