JOINT SOCIAL DISTANCING TEAMS IKAKALAT SA MGA PALENGKE

MAGPAPATUPAD ng ilang sistema ang Inter-Agency Task Force upang masiguro na sinusunod ang social distancing sa mga pamilihan kasunod ng kumalat na mga larawan hinggil sa pagdagsa ng mga mamimili sa Balintawak market sa Quezon City kamakailan.

Sinabi ni IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na isa sa mga ipatutupad ang ‘one-entry, one-exit’ policy sa mga palengke na aniya’y makaka- control sa paglabas-masok ng mga mamimili.

Bukod dito ang paglikha ng joint social distancing teams na bubuuin ng magkasanib na puwersa ng AFP at PNP na idedeploy sa mga pampublikong pamilihan.

Aniya, ang joint social distancing team ang titiyak na nasusunod ang pagkakaroon ng agwat o pagitan ng mga nagtutungo sa palengke at mapigilan ang pagkukumpol-kumpol ng mga ito gaya ng nakita nitong nagdaang Black Saturday sa palengke ng Balintawak.

Binigyang diin ng opisyal na kailangan din ng mga nasa LGU na tulungan ang mga idedeploy na sundalo at pulis sa mga pamilihan at masigurong hindi na mauulit ang insidente ng pagsisiksikan ng mga namimili. CHRISTIAN DALE

252

Related posts

Leave a Comment