APAT NA PUNTOS INILATAG NI PDU30 SA VIRTUAL ASEAN SUMMIT

duterte66

LUMAHOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa virtual ASEAN leaders summit kaninang umaga, araw ng Martes, Abril 14.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na apat na bagay ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa ASEAN summit.

Pangunahin na aniya rito ang pangangailangan ng kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pag-manufacture ng mga medical equipment na panlaban ng medical health workers sa COVID-19 tulad ng personal protective equipment, face masks, ventilators at iba pa.

Ang ikalawang ipinunto naman aniya ng Chief Executive ay ang seguridad ng pagkain sa buong ASEAN region.

Pangatlo ay ang buong suporta ng Pangulo sa mga inisyatibo at mga pananaliksik para sa kailangang bakuna laban sa COVID-19 at ginarantiyahan nito ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga gagawing testing sa matutuklasang bakuna.

At ang panghuling punto ng Pangulo ay sinabi nitong hindi agad matatapos ang COVID-19 at tiyak na may iba o panibagong virus na susulpot sa mga susunod pang panahon.

Kaya marapat aniyang maging handa ang ASEAN sa mga susunod pang mga pagsubok na dadalhin ng iba pang posibleng sakit na susulpot sa mundo. CHRISTIAN DALE

208

Related posts

Leave a Comment