INANUNSYO ng Inter-Agency Task Force (IATF) na libre na ang March to April electricity bill ng mga tahanan na kumokonsumo ng mas mababa sa 50 kilowatt per hour o yung mga tinatawag na “lifeline consumers.”
Ayon kay IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi lang mga electric consumer na taga-Luzon ang saklaw ng nabanggit na free of charge sa March to April billing kundi maging ang mahihirap na consumers sa Visayas at Mindanao.
Tinatayang nasa tatlong milyong consumers aniya ang makikinabang sa naturang hakbang na inisyatibo ng NEA, Philreca at mga electric coop na tinawag na Pantawid Liwanag.
Nauna nang inanunsyo ng Meralco na bibigyan nila ng 30-day payment extension ang electric bills na mula March 1 hanggang April 14, 2020 upang maging magaan ang pagbabayad ng mga consumer nito.
Sa kabilang dako, tiniyak din ng IATF, na base sa Department of Energy ay may sapat na suplay ng kuryente sa buong Luzon at sa katunayan ay may sobra pang 4,742 mega watts na suplay sa rehiyon. CHRISTIAN DALE
194 