BILANG pagkilala sa kabayanihan at tapat na paglilingkod, ipinangalan ng isang pagamutan sa yumaong doktor ang isa nitong operating room complex sa Dasmarinas City, Cavite.
Si Dr. Ronaldo Mateo, 48, na namatay nitong April 5 matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa COVID-19 ay isa sa mga pioneer doctor surgeon ng Dasmarinas City Hospital at naging head din ng Surgery department.
Nagpositibo si Dr. Mateo sa nasabing sakit matapos hawakan ang maraming pasyente simula pa lang ng pagkalat ng Virus.
Isinailalim sa quarantine ang doktor subalit habang ginagamot ito ay binawian ng buhay.
Bilang pasasalamat ng lungsod ng Dasmariñas sa kabayanihan ni Dok Mateo, ipinangalan sa kanya ang isang operating room complex na ngayon ay tatawagin nang Dr. Ronaldo Mateo Operating Room Complex. SIGFRED ADSUARA
231 