TINABLA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resolusyon ng 15 senador na nananawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapalpakan nito sa pagtugon sa COVID-19.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang desisyon ng Pangulo ay manatili sa puwesto ang Kalihim.
“Yes. The President has made a decision for Health Secretary Duque to stay put. He also expressed his appreciation for the Senators’ gesture in giving him the opportunity to weigh his options on the performance of his Secretary of Health,” ayon kay ES Medialdea.
Umaasa aniya ang Chief Executive na mas lalo pang pagbubutihin ni Sec. Duque ang kanyang trabaho para patunayan ang kanyang kakayahan at sinseridad na paglingkuran ang publiko lalo na ngayong nakararanas ng matinding krisis ang Pilipinas.
“Secretary Duque was made aware of the sentiments of the Senators and the President expects him to work even harder to set aside any doubts on his capacity and sincerity to serve the public during these difficult times,” ani ES Medialdea.
Sa kabilang dako, kabilang sa mga lumagda sa Senate resolution na pagbitiwin na si Duque ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Grace Poe, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Ronald “Bato” dela Rosa, Imee Marcos, Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Panfilo Lacson.
Kaugnay nito, nirerespeto naman ni Senador Bong Go ang posisyon ng kanyang mga kasamahan sa Senado.
Sumasang-ayon si Go na mayroong mga pagkukulang, hindi lang si Sec. Duque, kundi ang buong DOH. “Marahil lahat rin ng tao sa DOH, hirap na gumalaw with all the cases they are facing. Sila mismo ay pilay na rin since many of our health officials are sidelined. There are 51 individuals within the DOH central office compound who are positive for COVID-19,” ani Go.
Subalit, sinabi ni Go na nais din niyang ipahatid ang kanyang posisyon na sa panahong ito, mahirap na magpalit pa aniya ng “kapitan” sa gitna ng digmaan.
Ang kanyang panawagan ay tulungan na lang si Sec. Duque at magbayanihan para mas mabilis na malampasan ang pagsubok na ito.
“DOH cannot do it alone. This is the reason why President Rodrigo Duterte has instructed the military to get involved given their expertise in handling crisis situations,” ayon kay Go.
“Nandyaan po ang National Task Force na pinangungunahan ng retired generals tulad nila Secretaries Lorenzana, Galvez at Año para ma-reinforce ang iba’t ibang aspeto ng ating laban kontra COVID-19. The whole government and even the private sector are taking part in this fight in order for us to heal as one,” dagdag na pahayag nito.
Bilang Chair aniya ng Senate Committee on Health, ay binabantayan niya ang lahat ng pagkakamali tulad ng hindi pagtanggap ng mga ospital sa mga may sakit, mga mali o kulang na impormasyon na ikinakalat, at lalo na ang lahat ng pagkukulang ng DOH sa pagresponde sa krisis.
Kung mayroon man aniyang dapat managot ay papanagutin niya sa tamang panahon.
Kaya, nakikiusap aniya siya sa mga kasamahan niya sa gobyerno at sa publiko, na sinusugal na ng lahat ang buhay nila sa laban na ito.
“We are fighting for survival. Laban naman ito ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya dapat ay magtulungan at magbayanihan muna tayo ngayon. Nevertheless, this should be an eye-opener for DOH to shape up,” aniya pa rin. CHRISTIAN DALE
194 