ERC KINALAMPAG SA HINDI PA NARE-REFUND NA ‘OVERBILLINGS’ SA KURYENTE

HINIKAYAT ng Bayan Muna ang Energy Regulatory Commission (ERC) na gumawa ng paraan upang maibalik sa mga consumer an labis na nasingil sa kanila sa bayarin sa kuryente.

Ayon sa Bayan Muna, dapat ipabalik ng ERC sa consumers ng Meralco ang bahagi ng P108 billion ‘overcharges, over-recoveries at bill deposits na nakolekta nitong nakalipas na mga taon.

Nakadidismaya umano na hanggang ngayon ay hindi pa inaaksiyunan ng ERC ang refund na hirit ng mga consumer.

“Meralco should do the proper and honorable thing by just returning the money to the rightful owners and applying it as payment or a Meralco COVID-19 Buffer Fund for electricity consumed during the enhanced community quarantine,” giit ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Samantala, sinabi ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang P40 hanggang P50 bilyon na labis na singil sa kuryente sa pagitan ng 2003 at 2019 at P29.6 bilyon ‘over-recoveries’ mula 2013 hanggang 2018 at karagdagang P29 bilyong Meralco bill deposits nitong 2018, ay malaking tulong kung maibabalik sa consumers ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19 pandemic. TJ DELOS REYES

112

Related posts

Leave a Comment