COMPLETE BAN SA ‘BASURA’ NG CHINA

PANAHON na para sa ‘complete ban’ sa mga nabubulok na produktong itinatambak ng Chinese smugglers sa Pilipinas na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng mga Pilipino at pumapatay sa mga mangingisda at magsasaka.

Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pahayag matapos masabat ng Department of Agriculture (DA) ang mga shipment mula sa China na naglalaman ng nabubulok na isda at sibuyas sa Bureau of Customs compound sa Port Area, Manila.

“If necessary, there should be a complete ban on the importation of all decaying or short shelf-life products from China as these pose health hazards, aside from its economic rip-offs to the local Filipino traders,” ani Barbers.

Sinabi ng dating mambabatas na hindi ito ang unang kaso ng mga nabubulok na pagkain mula sa China na ini-smuggle sa Pilipinas na isang uri umano ng pambabastos sa mga Pilipino.

Bukod sa masusing inspeksyon, dapat din aniyang alamin kung sino-sino ang mga kasabwat ng Chinese smugglers, hindi lamang sa BOC kundi sa ibang sangay ng gobyerno na dahilan kaya nakalulusot ang mga ‘basura’ ng China.

(BERNARD TAGUINOD)

221

Related posts

Leave a Comment