ABOG ang paa ni Special Police Captain Paul Batalla Oandasan, District Commander ng Manila International Container Port (MICP), makaraang aksidente itong mabaril.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng PFI investigative team, noong Hulyo 9 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng pasilidad ng Puerto ng MICP.
Napag-alaman, bigla na lamang umanong may umalingawngaw na putok ng baril na ikinagulat ng mga tao sa paligid.
Ayon sa salaysay ng mga saksi sa insidente, habang pababa mula sa kanyang sasakyan ang biktima nang aksidenteng pumutok ang kanyang baril.
Bunsod nito, tinamaan ng bala sa paa ang biktima na mabilis na itinakbo sa pinakamalapit na ospital.
237
