PIMENTEL TINULUYAN SA QUARANTINE VIOLATIONS

IPINASA na ng Department of Health (DOH) sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel kaugnay sa kanyang paglabag sa quarantine protocols.

Sa virtual press briefing, Biyernes ng umaga, inanunsyo ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ang aksyon ng ahensya matapos matanggap ang reklamong inihain ni Atty. Rico Quicho.

Matatandaang hinagupit ng netizens si Pimentel dahil nagawa pa nitong gumala sa kabila na pinaghihinalaan siyang dinapuan ng COVID-19.

Isang PUI o person under investigation si Pimental nang ihatid nito sa Makati Medical Center ang manganganak na misis noong Marso 24 ng taong kasalukuyan. Dito na rin kinumpirma sa kanya na positibo siya sa COVID-19.

Dahil dito ay nagalit ang Makati Medical Center at binatikos ang senador dahil sa umano’y pagiging iresponsable at paglalagay sa peligro sa mga health worker at iba pang mga tao sa ospital.

Bukod dito, namataan din siya sa ilang pagtitipon at nagpunta rin sa grocery store.
Una nang humingi ng paumanhin ang mambabatas at iginiit na hindi siya PUI.

Naghain naman ng reklamo si Atty. Quicho sa Department of Justice noong Marso dahil sa paglabag umano ni Pimentel sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” at panuntunan ng DOH. (D ANIN)

238

Related posts

Leave a Comment