Pinas hindi gagayahin ang China COVID-19 HOSPITAL ‘DI NA KAILANGAN

NANINIWALA ang Malakanyang na hindi na kailangan pang gayahin ang ginawa ng bansang China na nagtayo pa ng panibagong gusali para gawing COVID-19 center o hospital.

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, mayroon nang existing facilities na maaring gawing ospital para sa COVID-19 patients.

Tinukoy nito ang Philippine General Hospital (PGH), National Kidney at Transplant Institute at Quirino Memorial Hospital.

Ang kailangan lamang aniya ngayon ay ang madagdagan ang mga ito at mataasan pa ang porsyento ng kanilang accommodation para sa mga pasyenteng nahawaan ng virus.

Batay aniya sa pahayag ni National task force chief implementer sec. Carlito Galvez, na sa ginawa nitong pag-iinspeksyon sa Quirino Memorial Hospital ay nakita nito ang ginawang expansion ng pagamutan para ma-accomodate pa ang mga karagdagang COVID patients. (CHRISTIAN DALE)

171

Related posts

Leave a Comment