2.8M lang ang nabakunahan mula sa 12M target DOH, PALPAK SA BAKUNA

ISINIWALAT ni Senador Ralph Recto na 2.8 milyon lamang ang nabakunahang sanggol hanggang mga senior citizen mula Enero hangang Hulyo 20 ng taong kasalukuyan.

Ani Recto, napakalayo nito sa 12 milyong target na itinakda ng Department of Health (DOH) sa Expanded Immunization Program para sa taong kasalukuyan.

“As of end of June 2020, only 2.8 million individuals, not even one-fourth of the target, have been vaccinated. That is the sad halftime score,” pahayag ng senador mula Batangas.

Umabot sa P7.5 bilyon ang pondong inaprubahan ng Kongreso para sa programang bakuna upang matiyak na ligtas ang mamamayang Filipino sa anomang uri ng sakit.

Ngunit, lumalabas na hindi nagampanan ng DOH sa pamumuno ni Secretary Francisco Duque III ang programang bakuna.

Batay sa impormasyong nakalap ni Recto, sumadsad sa 75 porsiyento noong 2019 ang mga nabakunahang Filipino mula 93 porsiyento noong 2008. (NELSON S. BADILLA)

368

Related posts

Leave a Comment