EKONOMIYA BUMABANGON NA

NAGSIMULA nang pumalo at makarekober ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa public address nito na sinabi nitong nalampasan na ng bansa ang pinakalugmok na sitwasyon nito sa gitna ng pandemya.

Buwan ng Abril at Mayo, ani Dominguez ang itinuturing na lowest peak sa ekonomiya ng Pilipinas dahil na rin sa epekto ng COVID-19.

Aniya, wala ring problema sa usapin ng liquidity na kasing kahulugan na may perang gagastusin at hindi kinukulang ng pera ang ekonomiya.

Maliban pa aniya rito ang pagiging mababa ng inflation rate habang pinakamalakas pa rin sa Asya ang Philippine peso currency.

“In good shape” aniya ang lagay ng Philippine economy at sa huli ay malalampasan din ang krisis. (CHRISTIAN DALE)

688

Related posts

Leave a Comment