NAKAKUHA ng suporta ang mga medical frontliner na dumadaing na sa kanilang pinagdadaanang hirap sa paglaban sa COVID-19 na patuloy ang padami, sa katauhan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.
“We are with you. The 7 point request of our frontliners are reasonable and can be effected. If our frontliners are asking us to pause and stop, we should listen,” pahayag ni Defensor.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos dumaing na sa hirap ang mga frontliner lalo na ang mga doctor at nurse at nanawagang ibalik sa ECQ ang Mega Manila.
Hiniling din ng mga ito na dagdagan ang mga medical personnel at huwag nang gumamit ng rapid test at sa halip ay swab test na ang gamitin upang masiguro na walang nakalulusot na COVID-19
positive at matiyak ang kaligtasan ng mga ito habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Maging ang ibang mambabatas ay umapela sa gobyerno na pakinggan ang hinaing ng mga frontliner dahil mas lalala ang sitwasyon kapag binalewala ang kanilang mungkahi. (BERNARD
TAGUINOD)
417
