MECQ, SABAYAN NG MASS TESTING AT CONTRACT TRACING

KAILANGANG sabayan ng mass testing at contract tracing ang ipatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR), Region IV-A at Bulacan upang hindi masayang ang panibagong “pagkulong” sa taumbayan.

Ito ang iginiit ni ACT party-list Rep. France Castro kasunod ng desisyon ng Malacañang na ibalik sa MECQ na mas mahigpit kumpara sa general community quarantine (GCQ) matapos humingi ng timeout ang mga frontliner.

“Simply placing Metro Manila, Region IV-A and Bulacan in MECQ again without these medical solutions (mass testing at contract tracing) is, to paraphrase the President’s own words, just

“putting Filipinos in prison,” ani Castro.

Maliban dito, kailangang seryosohin ang pagkuha ng mga karagdagang medical personnel dahil may sapat naman aniyang pondo ang Department of Health (DOH) sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon ay mahigit 13,000 ang plantilla na hindi pa rin umano nilalagyan ng tao ng DOH gayung may pondo na rito.

“Ang mangyayari niyan, kung mabigyan man ng timeout ang health workers natin, lalala pa rin ang COVID situation sa Pilipinas at mabubugbog pa rin ang mga doktor, nars, at iba pang health
frontliners sa second, third, and subsequent waves of infection,” ayon pa sa mambabatas.

MANDATORY

Samantala, hiniling naman ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr., sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad na rin ng mandatory face shield upang masiguro na makontrol ang hawaan kapag nasa labas ang mga tao.

Sa ngayon ay face mask lamang ang kailangang suotin ng mga tao kapag lumabas ang mga ito subalit mistulang hindi ito sapat upang maproteksyunan ang mga ito sa nasabing virus.

Bukod dito, nais din ng mambabatas na paglayuin ang mga tao kaya gawing 2 metro imbes na isang metro lang ang protocol sa social distancing na ipinatutupad ngayon.

“Ipatupad na sana ng IATF ang two meters na minimum physical distancing, imbes na one meter lang sa mga palengke, botika, bakery, malls, at iba pang pampublikong lugar,” ani Datol. (BERNARD TAGUINOD)

123

Related posts

Leave a Comment