LUGI SA PHILHEALTH PALAKI NANG PALAKI

IBINABALA ni Senador Juan Edgardo “sonny” Angara na kung hindi kaagad aaksiyon ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa sistematikong korapsiyon sa ahensiya, tiyak na malulugi ito ng P90 bilyon sa taong kasalukuyan at inaasahang malulugi ng P147 bilyon sa 2021.

Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance, na kundi matatakpan ang butas sa PhilHealth upang mapigilan ang paglulustay sa ahensiya, tuluyan na itong
mababangkarote.

Nabulgar sa ginanap na pagdinig ng Senado sa malawakang korapsiyon sa PhilHealth, na naglahong parang bula ang mahigit P15 bilyon sa kaban nito ng itinuturing na sindikatong mafia sa ahensiya.

Sinabi ni Angara na nakababahala ang pagkawala ng ganoong kalaking pondo sa leakages o korapsiyon dahil ginagamit na ng ahensiya ang reserbang pondo nito.

“With the actuary saying reserves will run out in 2021, drastic action is needed against any mafia and corrupt practices at PhilHealth. Congress has appropriated approximately P400 billion for

PhilHealth in less than a decade (not including premiums). We need stronger safeguards and better systems,” dagdag ng senador.

Iginiit ni Angara na kailangan na ang aktibong pagkilos ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales laban sa korapsiyon upang magkaroon ng tunay na reporma sa institusyon.

Tinukoy pa ni Angara kung paano tumugon si Morales sa whistleblower sa pamamagitan ng pagkastigo sa kanila sa halip na iberipika ang impormasyon.

Iminungkahi din ni Angara na magtalaga ng independent board member sa PhilHealth upang bantayan ang pondo nito. (ESTONG REYES)

119

Related posts

Leave a Comment