Miyembro ng crime group KAGAWAD TIMBOG SA PNP-AKG

NEGROS Occidental – Arestado ng mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group ng PNP ang isang kagawad ng Brgy. E. Lopez, Silay City na iniuugnay sa mga kaso ng nakawan at gunrunning sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, director ng PNP-AKG, ang suspek na si Remy L. Belandres, may kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms).

Ayon sa ulat, ala-1:30 ng hapon noong Martes, Agosto 4, nang ikasa ang operasyon sa Hacienda Teresita sa Brgy. E Lopez sa nabanggit na lugar.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Hon. Leonardo B. Facultad Jr., Executive Judge, 6 Judicial Region RTC na may petsang Hulyo 30, 2020, tinungo ang lugar ng suspek ng PNP-AKG

mataposmakipag-coordinate sa PNP Silay MPS, sa pangunguna nina P/Col. Salvador Alacyang, PNP-AKGU VFU, at PMaj. Nestor Acebuche ng Iloilo Bacolod Satellite Office at sa direct supervision ni P/BGen. Estomo.

Ayon sa record ng pulisya, si Belandres ay na-monitor sa pamamagitan ng intelligence driven police operations at natuklasang miyembro ng “Otso Orong gang” na nag-o-operate sa Negros Occidental at hinihinalang responsable sa iba’t ibang robbery incidents, cattle rustling case, gun running at gun for hire sa nasabing lalawigan.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril at P1,813,550 cash na itinurn-over kay Brgy. Chairman Menmia Gallego. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

167

Related posts

Leave a Comment