ANAK NA AYAW PAAWAT SA ALAK, TODAS KAY ITAY

CAPIZ– Halos mabiyak ang ulo ng isang lalaki habang sugatan ang kanyang kuya nang pagtatagain sila ng kanilang ama habang nag-iinuman sa bayan ng Dumarao.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Michael Sulleta, 30-anyos habang sugatan ang kuya nitong si Ricky na tinangkang awatin ang kanilang ama na si Ricordeo Sulleta, 57-anyos, pawang
mga residente ng Sitio Ulang, Barangay Sibariwan, Dumarao, Capiz.

Batay sa report ng Dumarao Municipal Police Station, nag-iinuman ang mag-aama sa bahay ng kanilang kaanak nang magkaroon ng pagtatalo sina Michael at Ricordeo.

Dito, inaya ng ama si Michael na umuwi na lamang subalit nagmatigas ang batang Sulleta na hindi ito uuwi.

Sa inis ng ama, kumuha ito ng itak at pinagtataga sa ulo si Michael. Tinangkang umawat ni Ricky ngunit maging siya ay tinaga ng ama at tinamaan sa paa.

Matapos ang krimen ay kusa ring sumuko sa pulisya ang suspek. (ANNIE PINEDA)

254

Related posts

Leave a Comment