NATAKOT IWAN NG LOVER, NAGBIGTI

DIGOS CITY – Nagbigti ang isang 30-anyos na lalaki makaraang bantaan na iiwan ng kanyang live-in partner dahil sa kanilang problemang pinansyal.

Nangyari ang insidente sa Luna Extension, Brgy. Zone 3 nitong lungsod, alas-6:15 ng gabi noong Miyerkoles, Agosto 12.

Sa imbestigasyon ng Digos City Police Station (DCPS), kinilala ang biktimang si alyas “Glenn,” residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng DCPS, mismong ang kalive-in nitong si Grace ang nakadiskubre sa nagbigting biktima kanilang bahay.

Napag-alaman, nag-away ang magka-live-in dahil sa kinakaharap na problemang pinansyal.

Sinabi ni Grace, nagbanta siyang iiwan ang biktima. Ngunit nagbanta rin ang biktima na magpapakamatay ito kapag kanyang iniwan.

Hindi naman inakala ni Grace na tototohanin ng biktima ang banta.

Walang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa nasabing insidente. (DONDON DINOY)

302

Related posts

Leave a Comment