Para matiyak na walang koneksyon sa gov’t officials: SUPPLIER NG FACE SHIELDS, ISAPUBLIKO

DAPAT isapubliko ng gobyerno kung sino ang mga importer at lokal na suplayer ng face shields at tukuyin ang posibleng koneksyon sa mga opisyal mula sa mga Department of Health (DOH),
Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Department of Transportation (DOTR).

Ayon kay Senador Imee Marcos, hindi malayo o may posibilidad na kumita ang mga ito sa bentahan ng  face shields.

Kasabay nito, umaasa si Marcos na hindi pa huli ang lahat para baguhin ang kautusan na mandatory o obligadong pagsusuot ng face shields sa lahat ng commuters at mga empleyado
bukod pa sa face mask simula bukas.

“Pwedeng localized o voluntary, pero pag mandatory ay overkill na yan. May iba pa bang bansa na nagrerekomenda sa sabay na paggamit ng face shield at face mask maliban sa loob ng mga
ospital?” ani Marcos.

“Biglang nagkaroon ngayon ng SRPs (suggested retail prices) para sa face shields, pero walang pormal na guidelines sa publiko para sa tamang kalidad at uri ng produkto para maprotektahan ang
mga konsyumer. Ilang beses ba ‘yan puwedeng gamitin, minsanan o puwede ulitin, paano lilinisin, ligtas ba ‘yan gamitin at hindi madali masunog ang materyales, ano ang mga pag-iingat na dapat
gawin ng mga gagamit?” tanong ni Marcos.

Sinabi pa nito na mismong ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention ay nagbabala na ang pagsusuot lang ng face mask mismo ay maaaring magpalala sa pisikal o mental na kondisyong
pangkalusugan at maaaring magbunsod ng medical emergency, o magkaroon ng panibagong problemang pangkalusugan. (NOEL ABUEL)

112

Related posts

Leave a Comment