12 NEW COVID DEATHS NADAGDAG SA QC

NAKAPAGTALA ng 12 bagong namatay sa coronavirus disease sa Quezon City, base sa pinakahuling ulat.

Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin noong Agusto 15, dakong alas-1:00 ng hapon, iniulat na mayroong 12 bagong namatay sa nasabing lungsod.

Bunsod nito, nakapagtala ng kabuuang bilang ng mga namatay sa lungsod sa bilang na 357.

Base naman sa Department of Health (DOH), hanggang noong Agosto 15, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Quezon City ay 8,589.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kasong may kumpletong addresses sa lungsod ay 8,514.

Umabot naman sa 8,488 validated cases ang naitala ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices.

May karagdagang 183 cases sa dating 8,305 na naiulat na kaso noong Agusto 14, na nagresulta ang kabuuang bilang sa 8,488 validated cases. Habang ang active COVID-19 cases sa siyudad ay 2,149.

Sa nasabi ring petsa, nakapagtala ng 102 bagong mga gumaling na nagresulta sa kabuuang bilang sa lungsod sa 5,982 recovered cases. (JOEL O. AMONGO)

173

Related posts

Leave a Comment