BANTAY-MILITAR VS COVID APRUB SA SENADO

PUMAYAG si Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa deployment ng military personnel upang estriktong maipatupad ang quarantine protocols sa ilang lugar katulong ang pulis at barangay, dahil marami nang mga frontliner sa komunidad ang nahahawa sa coronavirus.

 

Sinabi ni Gatchalian, kung hindi mahigpit na ipatutupad ang quarantine measure partikular sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at katabing lalawigan tulad ng  Bulacan, Batangas, Laguna, at  Rizal, walang silbi ang pagtigil ng ekonomiyia dahil patuloy na kakalat ang COVID-19.

 

“I agree that we need to mobilize the military in so far as putting more boots on the ground and enforcing the MECQ because if we don’t enforce the MECQ to the letter, then it is useless closing the economy,” ayon kay Gatchalian.

“It’s a double whammy. You don’t stop the virus and you’re preventing people from earning,” dagdag niya.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang pagtaas ng bilang ng nahawang mga pulis at barangay official sa Valenzuela City, na aabot na sa 2,000.

Aniya, sila lamang ang natatanging puwedeng tawagin ng lokal na pamahalaan upang ipatupad ang quarantine measures.

Sinabi pa ni Gatchalian, kung pakikilusin ang militar, na ginawa ng lungsod, magkakaroon ng back-up ang pulisya at barangay, maaaring maitaas ng LGUs ang bilang ng enforcers upang matiyak na epektibong maipatutupad ang quarantine measures.

“For practical purposes, we really need to have more enforcers on the ground, and this is where the military plays a very big role. In fact, kami sa Valenzuela we wrote AFP to give us more military presence kasi nga ang dami naming pulis na nagkakasakit,” ayon kay Gatchalian.

Ipinaliwanag pa ni Gatchalian na kapag itinaas ang bilang ng military presence sa isang LGUs, hindi ibig sabihin nito na kukunin na nila ang pagpapatupad ng quarantine measure upang masugpo ang COVID-19.

Aniya, sa Valenzuela, kumukuha ng instructions ang militar sa local chief of police at local chief executive at walang policing power ang sundalo.

Ibinasura ni Gatchalian ang pananaw ng ilang na militaristic ang tugon ng pambansang pamahalaan sa COVID-19 dahil hindi naman sila kasama sa nagpapatupad ng estratehiya upang magapi ang virus. (ESTONG REYES)

157

Related posts

Leave a Comment