PARUSA SA HINDI MAGSUSUOT NG FACE SHIELD, DEPENDE SA LGUs

MAAARING patawan ng parusa ang taong mahuhuli na hindi gumagamit ng face shield kasama ng face mask.

Subalit, nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na depende aniya iyon sa ordinansang
ipalalabas ng iba’t ibang siyudad.

“Puwedeng magkaroon ng sanction o penalty yan via ordinance,” ayon kay CabSec Nograles.

Bukod dito, pag-aaralan pa muna ng IATF kung magta-tie up ang liability sa Republic Act 11332.

Sa ngayon aniya ay isinasapinal pa ng Department of Health (DoH) at Department of Justice (DoJ) ang lengguwahe ng ipatutupad na rules and regulations.

“May RA na po ‘yan. RA 11332 but they’re updating the implementing rules and regulations. So, abangan na lang po natin kung ano ang lalabas doon,” ayon kay CabSec. Nograles.

Nagsimula na nitong Sabado, Agosto 15, ang mandatory na pagsusuot ng face shields sa mga bumibiyahe gamit ang pampublikong transportasyon.

Inatasan na ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr. ang lahat ng opisyal ng transportation sectors na istriktong ipatupad ang
naturang polisiya sa mga lugar kung saan pinapayagan ang public transport.

Nilinaw ng DOTr na ang paggamit ng face shield ay bukod sa iba pang umiiral na health protocols, gaya nang paggamit ng face masks at pag-obserba sa physical distancing. (CHRISTIAN DALE)

169

Related posts

Leave a Comment