PATULOY na lumalakas ang Bagyong Julian habang tinatahak ang direksyong pa-norte sa bahagi ng Philippine sea, ayon sa PAGASA.
Pero babala ng PAGASA, mas lalakas pa ang bagyo at mararating ang tinatawag na “peak intensity” bukas (Lunes).
Pero hindi maglalabas ng mga typhoon signal ang PAGASA dahil hindi ito tatama sa lupa. Bagaman posibleng palakasin nito ang hanging habagat na nagdadala ng ulan.
Hinikayat ng PAGASA ang mga nasa mababang lugar na maghanda.
Hindi rin pinapayuhan ang mga mangingisda na maglayag.
Huling namataan ang Bagyong Julian 740 kilometers east ng Casiguran, Aurora na may hangin na aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugso na 135 kph. (KIKO CUETO)
175
