MISTULANG ganito ang magiging scenario sa isusumiteng report at rekomendasyon ng Task Force PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Setyembre 14 kaugnay ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa nabanggit na ahensiya.
Paano ba naman sa ginanap na cabinet meeting na ipinalabas noong gabi ng Lunes sa mga TV Stations, ay hayagang sinabi ng Pangulo kay Secretary Duque na huwag siyang mag alala dahil wala siyang kasalanan at huwag itong mag-resign dahil naniniwala si Pangulong Digong na inosente ito sa mga ipinaratang sa kanya.
Kaya hayon mukhang makaka 2-0 si Sec. Duque laban sa Senado. Kung maalala po ninyo sumulat na noon ang Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III sa Malakanyang na humihiling na sibakin si Duque dahil sa kapabayaan nito sa kanyang tungkulin bilang kalihim ng kalusugan kaya sumambulat ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa bansa subalit dinedma lang ito ng Pangulo.
Ang ikalawa ay ang rekomendasyon ng Senado na isinumite sa TF PhilHealth na isinama nila si Secretary Duque sa dapat makasuhan dahil sa mga nangyayaring katiwalian sa ahensiya.
Pero dahil sa naging pahayag ng Pangulo sa kanilang cabinet meeting na tahasang nag-aabsuwelto kay Duque sa anumang pananagutan sa mga nangyayaring katiwalian sa PhilHealth, eh ano pa nga ba ang ating aasahan sa magiging report at rekumendasyon ng task force philhealth na nakatakdang isumite sa darating na Lunes, eh di absuwelto si Secretary Duque!!!
Kaya nga, ang Tanong!!!! Sigaw sa bawal Judgemental episode ng Eat Bulaga, sino nga ba si Secretary Duque sa gobyerno ni Pangulong/Mayor Duterte!? bakit ganoon siya katibay at kataas ang paniniwala sa kanya ni Pangulong Mayor Duterte!?.
Ang masaklap dito ay ang sa panig ng TF PhilHealth, andoon pa naman si Secretary Guevarra ang head ng task force nang i-anunsyo ni Digong na walang kasalanan si Secretary Duque sa nangyayaring katiwalian sa PhilHealth.
So kung gayon ay preemptive na ang anumang gagawing report ng task force laban kay Secretary Duque. Bukod dito’y hindi na rin magagamit ng task force yung rekumendasyon ng Senado na nagsasaad na kasama si Secretary Duque sa kanilang pinakakasuhan kaugnay ng mga nangyayaring anomalya sa PhilHealth.
Biro nyo naman na nag aksaya ng panahon ang Senado upang magsagawa ng imbestigasyon para halungkatin at malaman lamang ang mga kabulastugan sa PhilHealth at matanggalan ng maskara ang mga lumustay sa pondo ng PhilHealth tapos mauuwi lang pala sa wala?!
128 