QC COVID DEATHS UMAKYAT SA 446

MULING nadagdagan ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City, ayon sa pinahuling ulat ng nasabing lokal na pamahalaan.

Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin para sa Setyembre 7, nakapagtala ng apat na panibagong pagkamatay sa nasabing virus ang lungsod.

Ang nasabing apat na mga bagong namatay ay nagdala ng kabuuang bilang ng casualties sa lungsod sa 446.

Ayon pa sa report, hanggang Setyembre 7, ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay 13,331.

May 351 kasong karagdagan na naisama sa 12,980 naiulat na mga kaso noong Sabado kaya naging 13,331 na ang kabuuang bilang nito.

Ang active COVID-19 cases sa siyudad ay naitala sa bilang na 2,652.

Sa nasabi ring petsa ay may 153 bagong gumaling na nagdala sa kabuuang bilang ng recoveries sa 10,233.

Samantala, unti-unti nang nababawasan ang mga pasyente ng COVID-19 sa tatlong ospital na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Novaliches District Hospital (as of Sept. 7) na may kabuuang bed capacity na 32, ang kabuuang okupado ay nasa 22; Quezon City General Hospital (as of Sept, 7) na ang kabuuang bed capacity ay 101, ang 62 nito ay okupado.

Wala namang bakanteng higaan ng COVID-19 patients ang Rosario Maclang Bautista General Hospital sa kanilang kabuuang bed capacity na 23, lahat ay okupado. (JOEL O. AMONGO)

208

Related posts

Leave a Comment