COVID CASES SA CALOOCAN PUMALO SA 6,113

NAKAPAGTALA ang Caloocan City ng dagdag na anim na kaso ng pagkamatay sa COVID-19 noong Lunes, Setyembre 7, habang pumalo na sa 6,113 ang positibong kaso sa nasabing sakit, ayon sa ulat ni Mayor Oscar Malapitan.

Ayon sa alkalde, hanggang alas-6:00 ng gabi noong Lunes, umabot na sa 190 ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya mula sa 184 noong Setyembre 5.

Sumipa naman sa 4,844 pasyente sa Caloocan ang nakarekober mula sa nasabing sakit.

Sa lungsod ng Navotas, 42 ang nagpositibo at 35 ang gumaling noong Lunes mula sa COVID-19.

Sumampa naman sa 4,519 ang COVID positive sa lungsod. Sa bilang na ito ay 3,972 ang gumaling, 421 ang active cases at 126 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

476

Related posts

Leave a Comment