IGIGIIT ni Senador Win Gatchalian na madagdagan ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mabigyan ng ayuda ang mahihirap at mga matinding naapektuhan ng COVID 19 pandemic.
Isa sa paunang napuna ni Gatchalian sa panukalang budget ang pagbababa ng inilalaang pondo sa DSWD dahil tinanggal ang Unconditional cash transfer.
“Napakalaki ng ibinaba sa budget ng DSWD nawala ang SAP at nawala ang unconditional cash transfer,” diin ni Gatchalian.
“Nung isinabatas natin ang TRAIN sumipa ang presyo ng langis at nagbigay tayo P300 a month. Ang aking mungkahi ‘wag na tanggalin yun,” diin ni Gatchalian na nangangahulugan ng dagdag na P30 bilyon sa pondo ng DSWD.
Sinabi ni Gatchalian na pwedeng kunin ang naturang pondo kung aalisin na ang budget para sa biyahe ng iba’t ibang ahensya para sa seminar o iba’t ibang trainings.
“Hindi ko nakikitang magkakaroon ng biyahe baka buong taon next year, so pwedeng tanggalin ang Lakbay-Aral dahil webinar ngayon lahat. Bilyon din yan pag iniipon at ilagay na lang natin sa pagtulong sa aitng mga kababayan,” giit ni Gatchalian. (DANG SAMSON-GARCIA)
158 