HIGIT 10K COVID TEST KADA ARAW, NAISASAGAWA NA NG PINAS

UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng datos na iprinisinta nito sa Malakanyang na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa corona virus test.

Ayon kay Galvez, ang datos ay 2.6 percent na ng populasyon ng bansa.

Kaya ikinatutuwa nila ang nasabing development na kung saan, may isang araw pa na pumalo sa 43,555 ang kabuuang nai-covid test at ito ay nitong nakalipas na Setyembre 10.

Samantala, inihayag din ni Galvez na may dalawa pang laboratoryo na nagsisipag-aplay upang magkaruon ng lisensiya para makapagsagawa ng testing.

Sa ngayon ay nasa 122 testing laboratories ang nag-o-operate sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment