BAGONG BUDGET SA ENERO 1, TINIYAK

TITIYAKIN ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na pagsapit ng Enero 1, 2021 ay mayroon nang bagong budget ang pamahalaan na magagamit sa pangangailangan ng publiko.

Sinabi ni Angara na sisikapin nilang hindi na maulit ang dalawang sunod na taon na reenacted ang budget ng gobyerno sa mga unang bahagi ng taon.

“Gusto natin ontime ang pagpasa ng national budget. January 1 meron na tayong bagong budget para makatulong sa mamamayan kaya kahit dinedebate pa yan ng House, kahit nakalagay sa batas na kailangan magmula sa Kamara ang budget, inuumpisahan na namin ang tinatawag na budget briefings ng iba’t ibang ahensya,” pahayag ni Angara.

“Hopefully maipasa natin ontime dahil dalawang taon na ang nakaraan hindi ontime ang budget. Sana hindi maulit yun dahil alam natin hindi rin normal ang pamumuhay ngayon,” dagdag pa ng senador.

Sa kabila nito, naniniwala si Angara na hihimaying mabuti ng mga senador ang proposed P4.506 trillion 2021 national budget at maglalagay ng mga pagbabago kung kinakailangan.

“Tinitignan natin ang bawat ahensya kung ano ang improvement na nagawa over the past year dahil alam din natin na meron din tayong emergency measure ang Bayanihan 1 at 2 na naglaan din ng malalaking budget para harapin ang pandemya,” paliwanag ng mambabatas.

“Bago namin ipasa sa committee level, hihingi rin kami ng amyenda mula sa aming mga kasamahan dahil meron tayong 10 vice chair at halos lahat ng senador ay miyembro ng ating komite so madalas nagsa-submit din yan ng amyenda,” diin ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)

171

Related posts

Leave a Comment