Ni Ann Esternon
Mahilig ka bang gumamit ng makeup? Kung oo, wala naming problema pero dapat ding mahilig kang tumingin sa expiration ng makeup products bago mo ito bilihin.
Kahit ano pang brand ng makeup, dapat kang maging partikular expiration date ng mga ito.
Mas limited ang shelf-life para sa eye-area cosmetics, ayon sa US Food and Drug Administration.
Sa cosmetic type na nabanggit, mas paulit-ulit ang microbial exposure dito at mataas ang risk sa eye infections. Ayon sa ibang industry experts, palitan ang mascara matapos ang 3 months na paggamit. Kung tuyo na ang mascara, kahit wala pang tatlong buwan, ay itapon na ito. Hindi rin magandang dagdagan ito ng tubig o laway para mag-moist dahil mag-i-introduce lang ito ng bacteria sa product. Kapag nagkaroon ng eye infections magpakonsulta agad sa doktor at ihinto na ang paggamit ng eye-area cosmetics.
Isa pa sa madaling masira ay ang mga “all natural” products na maaaring may plant-derived substances na conducive sa microbial growth. Dapat ding ikonsidera ng consumers at manufacturers ang increased risk ng contamination sa products na may non-traditional preservatives, o ang no preservatives.
Ang expiration dates ay “rules of thumb” at maaring masira ang produkto kahit bago pa umabot sa expiration date kung ang produkto ay hindi naitatago nang maayos. Kung produkto ay exposed sa high temperatures o sunlight, o nabuksan at naeksamin ng consumers prior sa final sale – ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng produkto.
Hindi rin advisable na magpahiram o manghiram ng makeup. Dito mataas ang contamination. Mag-ingat din sa mga ‘testers’ products sa market. May certain facial beauty products na pwedeng i-test sa kamay, kung saan maaaring mabura agad ito at hindi kapitan ng bacteria ang balat – bagay na dapat ikonsidera.
