DOH INATASAN NI DUTERTE NA IPAMAHAGI ANG MGA BINILING GAMOT

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired kung saan isinisisi ito ng Commission on Audit (COA) sa poor inventory at supply management system.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, base sa 2019 audit report, sinabi ng COA na nagtatago ang DOH ng P2.2 bilyong halaga ng expired, overstocked o malapit nang mag-expire na gamot at maging ng medical at dental supplies.

Sinabi pa ng COA na ang malapit nang ma-expired na gamot ay kasama sa kuwenta ng P1.024 billion.

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i-expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa ng COA na ang pangyayaring na expired, overstocked at malapit nang mag-expire na inventory items ay manipestasyon lamang na mayroong “excessive expenditure since items were procured more than what is needed.”

Kaya nga, inirekomenda ng COA sa DOH na rebisahin ang kontrata lalo na iyong existing suppliers, sanayin na ingatan ang paggamit ng government resources, mahigpit na ipatupad ang timeline ng distribusyon/paglilipat ng mga inventory at bilisan ang pamamahagi ng malapit nang ma-expired na medisina.

Hinikayat din ng COA ang DOH na bumalangkas ng internal control policies para mabawasan ang nangyayaring expired drugs. (CHRISTIAN DALE)

127

Related posts

Leave a Comment