UPANG makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani-kanilang mahal sa buhay, naglunsad ng “Alis Lungkot” project ang Ospital ng Sampaloc nitong Miyerkoles ng umaga.
Mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nagpanukala at umaasa na makababawas ito sa ‘stress’ na nararanasan ng mga pasyente habang sila ay nagpapagaling sa sakit na COVID-19 o sa iba pang mga karamdaman.
Nabatid na ang maayos na internet access ay makatutulong din sa hospital workers na mas episyenteng makapaghatid ng serbisyo.
Pinuri ng alkalde si OSSAM Hospital Director Aileen Lacsamana, ang OSSAM Public Information Office, at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) Division dahil sa nabanggit na inisyatiba. (RENE CRISOSTOMO)
