UTOL NI ARNEL PINEDA, BRGY. TANOD HULI SA SHABU SA QC

ARESTADO ang isang chef na kapatid umano ng singer na si Arnel Pineda at kasama nitong barangay tanod sa buy-bust operation ng Kamuning Police Station (PS-10) sa Brgy. Obrero, Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Rusmon Pineda, 51-anyos at

Rojimar Frilles, 30-anyos, kapwa mula sa Brgy. Sacred Heart.

Base sa report, isang confidential informant ang nagtimbre sa QCPD PS-10 kaugnay sa illegal drug peddling activities ni Pineda partikular sa area ng Brgy. Obrero, Quezon City.

Sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-NCR, nagsagawa ng buy-bust operation laban kay Pineda dakong alas-11:00 ng gabi noong Oktubre 6 sa Scout Santiago corner Marathon St. sa Brgy. Obrero.

Isang undercover operative ang bumili ng P23,000 halaga ng shabu mula kay Pineda na kasama si Frilles, na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Bukod sa buy-bust money, nakumpiska mula sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na P136,000 ang halaga, dalawang cellphones, isang motorsiklo at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

160

Related posts

Leave a Comment