LABIS ang pasasalamat ng Malakanyang sa hangarin ng United Nations Human Rights Council na makatulong sa estado ng human rights ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tama ang inihaing Resolution No. 45 ng UN Human Rights Council na naglalayong magbigay ng technical assistance at capacity building sa usapin ng karapatang pantao sa bansa.
Binigyang-diin ni Sec. Roque na “very appreciative” ang gobyerno ukol sa naturang hakbang ng UNHRC at handa aniyang makipagtulungan dito ang bansa.
Malinaw aniya na pagpapakita ito ng tiwala ng UNHRC sa mga institusyon para mapanagot ang mga lumalabag sa karapatang pantao ng ating mga kababayan.
Mas makabubuti pa nga aniya ang ganito na nakikita ang pagtulong ng United Nations kaysa batikusin ang gobyerno gaya sa mga nakaraan. (CHRISTIAN DALE)
145
