LUPA SA PAX SILICA VENTURE NAKALAAN NA NOON PANG 2019

IGINIIT ng Malacañang na matagal nang nakalaan ang lupang gagamitin para sa Pax Silica project at hindi maaapektuhan ng naturang proyekto ang mga magsasaka.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inilatag na ang buildable areas o alokasyon ng lupang gagamitin para sa proyekto noong 2019, kasabay ng paghahanda para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni Castro na may nakalaan ding 6,000 ektarya para sa open green spaces, forest reserves at designated zones para sa upland farming.

Aniya, nasa 3,500 ektarya lamang ang sasakupin ng Pax Silica project.

Dahil dito, tiniyak ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang mga magsasaka ng proyekto, na nakatakdang maging AI at semiconductor industrial hub sa New Clark City upang lumikha ng de-kalidad na trabaho at makahikayat ng malalaking pamumuhunan sa high-tech industries.

(CHRISTIAN DALE)

43

Related posts

Leave a Comment